People & Inspiration

Mod Moms: Melai Cantiveros On Keeping The Fun And Love At Home During Crisis

Mod Moms: Melai Cantiveros On Keeping The Fun And Love At Home During Crisis

One of the challenges most parents are experiencing during this time is how to keep their kids entertained while in home quarantine. Actress and host Melai Cantiveros-Francisco is no different, saying that she is doing everything that she can to keep her daughters Mela and Stella preoccupied.

As one of ABS-CBN Lifestyle's Mod Moms, Melai shares with us her parenting skills below. Jason Francisco's wifey also reveals the fam's "new normal" as they and the rest of the world battle the coronavirus pandemic.

[related: Where To Next: Beautiful Boracay—Where 'Magandang Buhay' Spent Its Third Anniversary!]

How did you explain COVID-19 to your kids?

Dahan-dahan kong sinabi sa kanila kasi nagtataka din sila—kasi lagi kami every Sunday may family bonding talaga kami, nagpupunta kami ng church. So ngayon na na-stuck na, nagtatanong sila, “Mama, bakit?” Sinasabi ko sa kanila na may virus, at delikado sa labas, for our health kailangan natin maging malinis, kailangan malinis ka sa sarili mo, proper hygiene, at hindi pwede lumabas baka makakuha ng virus. Kasi lalo na mga bata at matatanda. So, alam nila ang nangyayari kaya hindi na sila nagpu-push na, “Mama, labas ako.” Hindi na sila nagpu-push ng ganun. Kasi pag i-push pa nila, mapu-push ko sila ng hanger. Charing lang! Hindi matitigas ulo ng mga anak ko, thank God kasi talagang sumusunod sila sa mga sinasabi ko, nakaka-understand agad sila.

How do you manage your kids' emotions?

May times talaga na si Mela—si Mela kasi yung mahilig ma-overwhelm, eh. So si Mela, yung parang (pag) nag-uusap kaming matatanda, nakikinig lang sya. And then pag naintindhan nya yung mga napag-uusapan naming matatanda, sasabihin nya, “Mama, what’s happening to the world?” Sabi ko, “Don’t say that. Just say, ‘Hello Philippines and hello world!’” Charing lang. Sinasabi ko sakanya na, “Mela, ito na talaga ang mundo.” Kaya minsan nari-realize nya na, ‘Oh my God!’ Kawawa naman daw yung mga doctor, mga nurse. So, nakikita ko kung paano sya mag-react sa nangyayari and natutuwa ako dahil bata ka palang pero gusto na nyang makatulong. “Mama, let’s pray for them.” “Yes, of course, mahal, let’s pray for them na safe sila.”

Minsan si Mela sasabihin, “Mama, I have a dream.” Natatakot sya minsan sa mga pinag-uusapan namin. So sabi ko, “Mela, if you are afraid, don’t…” English kasi yung anak ko kaya minsan nahirapan ako eh. Sinasabi ko sakanya na “Wag mong lagyan ng fear ang heart mo, pag natatakot ka, tawagan mo si Jesus. Lagi mo syang tawagin at mag-pray ka. Mawawala yung takot mo.” So natutunan nya, napa-practice nya pag natatakot, “Lord Jesus, thank you.” Nakikita ko naman kaya natutuwa ako. Yun ang panlaban ko sa mga anxiety pag medyo na-stress ang mga anak ko.

Ang ginagawa naming activities, maglalaro sila sa bahay, naglalaro sila ng mga hide-and-seek, tagu-taguan lang naman tayo dati. Char! Hide-and-seek sila ng Lola nya kasi di rin lumalabas ang Lola nya. And then, minsan nag dro-drawing sila, meron lang silang oras mag-watch ng TV, di sila mag-watch ng cellphone kasi para makita ko yung pinapanood nila, malaman ko agad! Kasi talagang with the guidance of the parents, nanonood sila ng social media. And then gumagawa sila ng mga pancake. Char! Hotcake lang sa atin.

Pero sinusuportahan ko sila sa mga gagawin, mag-swimming-swimming wala naman kami pool kasi nabutas na, sa planggana kaya para na rin silang lamog linabhan sa planggana. So, ine-enjoy lang nila and ako ine-enjoy ko rin.

Sinusuportahan ko sila sa mga gusto nilang food kahit talagang mahirap. Mga French fries na gusto nila, gumagawa ako ng paraan, yung mga patatas dito sa bahay, ginagawa kong parang French fries na pangmayayaman! So, dun lang talaga ang kinakaya ko. Kasi di din naman pwede lumabas kasi di mo alam. Kung baga risky ang ganung situation. So, ngayon, basta safe sila, ginagawa ko ang best ko, na a-appreciate din naman nila.

[related: ABS-CBN Lifestyle Asks Dimples Romana: How's Mom Life Like Amid A Crisis?]

What values have you imparted your kids during crisis?

Tough love ang binibigay ko sa mga anak ko kasi sine-share ko talaga na kung ano yung binibigay ko sakanilang disiplina, magagamit nila, ito ang sandata nila pagdating ng panahon. Kahit baby pa sila, hindi ko sila masyadong bine-baby.

Ako, yung values na natutunan ko sa mga anak ko, mga Momshie is gusto ko sila maging maayos na bata, maging mabuti. Hindi man sila maging mayaman, hindi man sila maging sobrang successful, maging famous, pero gusto ko sila maging mabuti dahil ito ang pinaka-best armor na madadala nila. Lagi ako may tinuturo, minsan nga naririndi na sila sakin. Every step nila, “Anak, hindi pwede ganyan, dapat ganito.” Yung parang hindi na nila alam, “Napaka-OA naman nito ni Mama!Parang ganun. Pero talagang mas bata palang sila, ituro mo na kung ano yung mga dapat nila malaman kasi mas nagtatanda sila eh at alam mong madali mo pa silang maturuan kung ano yung mali kesa yung matanda na sila, mahirapan ka na.

What have you learned from your family during crisis?

Ang natutunan ko, lalo na sa asawa ko rin at kay Mela… Kasi nung February palang, nung naglinis ako dito ECQ na, paglinis ko nakita ko yung diary ni Mela, may pa-diary na sya. Ang nakalagay is, “I am happy”—nasa Instagram ko yun—“I am happy because Mama is here.” Hindi ko alam if tama yung English ko pero basta tama yung English ng anak ko, sure ako. So na-realize ko na, “Hala, ang saya pala nila pag nandito ako. Hindi mababayaran yung saya nila, hindi matutumbasan ng toys, halaga, basta nandito ako. The best part of their lives.” Ganun din sa asawa ko kasi parang napagsisilbihan ko sila, napatatawa ko sila, yung time ko talaga, nabibigay ko sakanila. So, yun ang na-realize ko is yung time talaga is best na mabibigay mo sa family mo.

[related: Mod Moms: How Dimples Romana Parents During A Pandemic]

How can other parents help their children cope?

Ang words of encouragement ko sa mga Momshie na nanonood ngayon is kung ma-spell nyo encouragement, charing lang! Pero gusto ko lang kayo bigyan ng patatag ng loob na lagi na lang tayo maging grateful, (pasalamat) tayo sa mga meron tayo ngayon. Kasi, kung sino yung sobra mapag pasalamat, kung grateful ka sa buhay mo, ikaw yung pinakamasayang tao sa buong mundo.

So, tignan natin lahat ng bagay na pwede natin mapagpasalamatan kahit na minsan, kasi ang utak iba din umatake ang utak eh. Minsan, “Anong nangyayari sa mundo? Ganito na ba?” Pero mga Momshie, kapit lang tayo kay God. Wala tayong ibang kakapitan kundi si God. At tignan natin ang sitwasyon na safe ang anak natin, safe tayo, approve na tayo doon kasi 'Health is wealth' talaga. Walang makakatumbas ng kaligtasan ng health mo kundi—walang makakatumbas na pera, fame, basta healthy mga anak mo, approved na yan. Na-prove natin yan ngayong may krisis na ito kaya maging grateful nalang tayo and wag tayong mawalan ng pag-asa. Kumapit tayo kay God dahil malalagpasan natin itong lahat basta lagi tayong magdasal.

ALSO READ: Cheat Sheet: Surprise Mom This Mother’s Day Right At Home!

Photos from @mrandmrsfrancisco

Banner image by Kang Garcia

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites