People & Inspiration

ABS-CBN Lifestyle Inspo Ronnie Alonte: How I Courted Loisa—The Old-Fashioned Way

ABS-CBN Lifestyle Inspo Ronnie Alonte: How I Courted Loisa—The Old-Fashioned Way

Editor’s Note: On the subject of dating, James and Dave and Pat star Ronnie Alonte keeps things traditional. He would rather get to know someone face-to-face than attempt an online relationship. His preference paid off big time when he won the heart of his girlfriend Loisa Andalio four years prior. Here, he shares his thoughts and experiences.

[related: In Focus: 'James And Pat And Dave' Stars On Their Biggest Learnings On Love And Relationships]

May napapaisip naman na mag-online dating, pero dahil may girlfriend na ako, syempre di ko kailangan yun. Meron talagang nagkakaroon at nagkakatuluyan sa social media. Pero sa akin naman, mas maganda ang personal na relasyon. Ito kasi nagkasanayan ng henerasyon natin. Napakadali na lang manligaw pero sana hindi tayo sasanay dito. Unang una, ayaw naman natin manloko at ma-scam. May iba kasi na gawa-gawa lang tapos lolokohin ka nila. Kaya kung ako sa inyo, personalin na lang lahat ng bagay.

Ang story namin ni Loisa, nagpakilala kami sa It’s Showtime. Unti-unti ko syang nagkakilala—mga isang buwan. Then naligawan ko sya. Diyan ako nagsabi, “Baka pwede pang mas mataas sa kaibigan ang pagsamahan namin.” Pumayag naman sya.

[related: From The Editor: Celebrate Modern Love With #ABSCBNLifestyleInspo Ronnie, Loisa, & Donny!]

Naalala ko pa ang first date namin. Nag-rehearsal kami ng sayaw para sa Star Magic Ball 2016. Iba yung partner nya tas iba din partner ko. Biglang niyaya ko si Loisa na kumain sa lumabas. Naglakad lang kami papunta. Sasabihin ni Loisa sa inyo na hindi siya perfect dahil sa pinaghandaan. Perfect sya kasi hindi mo inaasahan na mangyayari. Sa totoo lang, di kami masyadong romantiko na tao. Basta magkasama kami at kakain kami, perfect date na yun. Oras lang sa isa’t isa ang hinihingi namin kahit saan.

Recently, nag-Amanpulo kaming dalawa. Gusto namin ulit pumunta. Sobrang ganda! May ganun palang paraiso. Isipin mo, parang edited lugar pero totoo sya. Dream come true talaga.

[related: Hot Stuff: It's A Party Of Three With These Youngbloods On ABS-CBN Lifestyle!]

Mahal ko si Loisa kasi normal at natural lang sya. Walang arte! Di ko na mahirapan kasi magkasundo kami. Feeling ko kaya kami nagtatagal. Kung ano mangyari, pagusapan at wag natin ilalabas. Kahit sobrang mas lalaki pa siya sakin minsan, kahit anong gawin niya, mahal ko pa rin sya. Walang kaming hassle sa isa't isa.

Kung magbibigay ko ng dating advice...di natin mapi-please lahat ng tao. Iba ang kabataan ngayon. Hindi mo alam kung paano mo sila ma-explain! Minsan 'pag pinagsabihan mo pa sila, sila pa yung galit. Kapag may narinig sila na “Ganito, ganyan” sila pa yung magba-bash. Para sakin, sa isang relasyon, magbigayan lang kayo. Walang dapat may andar. Bigyan na lang kayo para walang nasasakal sa isa’t isa. Kung pinagbabawalan mo sya ng bagay, hindi mo dapat sabihin—lalo na kung alam mo naman yung tama at mali. Kailangan lang maging malawak ang pag-iisip. Tsaka, tulad ng sinabi ko, di natin kailangan manligaw nang malayo. Kung tutusin mas maganda pa rin ang personal.

ALSO READ: ABS-CBN Lifestyle Asks: Ex Couples On Keeping Their Friendship After A Breakup

Photographs taken from Ronnie Alonte's official Instagram

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites