Style & Fashion

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: From Basic To Ukay, This Is My Fashyown Evolution

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: From Basic To Ukay, This Is My Fashyown Evolution

Editor’s Note: When it comes to fashion, Mimiyuuuh is all about experimentation.  The fashion student-turned-vlogger lives for one-of-a-kind finds that she can make her own. But she also likes to keep it under budget.  Here she shares how her style has changed over the years as well as tips on shopping at ukay-ukays (her fashion haven).

Adventurous ang style ko. Hindi ako takot magtry ng bagong bagay. Hindi rin ako nagsastay sa isang style. I want to innovate myself more, and to do that, kailangan ko magtry ng iba’t-ibang damit.

[related:  #ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: Vlogging Is Life, But Watch Out For My Fashion Line!]

Ang suot ko before sa school is basically kung anong bibili mo sa mall.  Pero napansin ko na sobrang stylish yung mga friends ko sa college. Nainspire ako sa environment ng school namin. When I worked under Bang Pineda, yung mga kasamahan ko ang nainspire sakin and nagpush sakin na iinnovate yung taste ko.

[related: #ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: Looking Back At College Life]

Ngayon, ayoko ng plain na damit! Pag may mga event, dun ako nagiisip na, “Ano ba yung bago kong pwedeng gawin sa mga damit?” Tsaka ayoko ng skinny jeans! Di ko ma-appreciate kasi ang liit ng legs ko. Pag nag-skinny jeans ako, mas lalo ma-emphasize. Gusto ko loose na may waist—yung hindi masyadong kapit sa skin.  Ang everyday outfit ko is fitted shirts, high-waisted pants, and sneakers.  Pero depende rin talaga sa mood ko Kunware, I want to be extra that day, mag-eextra ako! 

Nung na-expose ako sa ukay, lalo nag-level up yung styling game ko kasi may mabibili ako na mas murang damit. Sa Baclaran ako usually nag-uukay pero minsan sumasama ako ng friends ko sa Libertad at Anonas. If nararamdaman ako may mabibili ako na maganda, mag-uukay ako. Hindi ako fan ng "New Arrival" kasi medyo mahal siya. So hinihintay ako magsale yung store. Masasabi ko mura yung damit kapag less than P50.  Kapag nagtaas ng P50, nagtatanong na ako sa sarili ko, “kailangan ko ba talaga ‘to?” Pero, kunwari, new arrival siya tapos nagkakoneksyon kayo ng soul mo tsaka yung damit na yun—girl, bilhin mo na kahit P150 yan!

P1,000 ang budget ko. Pero hindi yun every week, ha! P1,000 every month. Pag naguukay ako, sobrang therapeutic.  Nakakaexcite! Parang nag-aabang ako ng, “Okay what’s next? Surprise me, Thrift God!” What’s good with ukay is kung meron man, onti lang kayo may ganun kapareho. Every piece sa ukay unique talaga.

ALSO READ: #ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: Coming Out Of The Closet (And Hopes For Those Who Have Yet To)

Interview by Angela Sy | Photographs taken from my Instagram and YouTube accounts

Banner image by Kang Garcia

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites