People & Inspiration

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: Vlogging Is Life, But Watch Out For My Fashion Line!

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: Vlogging Is Life, But Watch Out For My Fashion Line!

Editor’s Note: Before she broke the internet as the vlogging sensation, Mimiyuuuh dreamed of breaking into the fashion industry. She majored in Fashion Design and Merchandising, worked with some of the biggest stylists and designers in the country, and even started her own label. Here’s her story, which, coincidentally, started with cartoons and friends.

Tindera sila mommy and daddy ko ng clothes sa Baclaran. Noong bata ako, di talaga ako mahilig sa damit. Siguro nagkaroon lang ako ng vision sa mga damit. Tapos nung second year high school, doon na talaga ako nadiscover na baka merong chance talaga ako as a fashion designer kasi pinush nina ako ng mga friends. Sabi nila, “Sige, mag-fashion design ka, Mimi, may talent ka naman sa pag-sketch.” Five years old pa lang ako, nag-sketching talaga ako. Alam niyo ng Powerpuff Girls? Sketch ko sila, tapos iibahin ko yung damit nila. Favorite ko sila; pinapanood ko noong bata. Feeling ko dun nga nagstart yung pagkabakla ko.

Natuto ako mag-sewing sa school. Tsaka meron kaming course sa school na ang tawag ay Fashion Line Development. Dun tuturuan kami magbranding. Fangs ang logo ko. Bakit? Kasi may ngipin ako na mukhang fang. Lagi kong sinasabi, “If you use your flaws as your strength, no one can use it against you.” So yun ang brand ko. It's really about embracing yung mga flaws. Pag makita mo, sasabihin mo, “Ay si Mimi yan! Ay, Fangs yan!” 

Ang vision ko sa mga dinadamit ko ay bad girl—yung hindi afraid na mag-break ng law and excited to try new things. You dress up to feel good—yan yung vibe ng brand ko. Mas adventure sa street tas open minded ng mga tao pag street style. Dun mo makikita yung, “What’s next?”

Hindi ako yung typical na street brand. Gusto ko rin unique ng every piece ko. Heart ko talaga, in every piece andun siya.

For materials, I love denim kasi sobrang dali imanipulate. Sobrang comfortable ako with denim. Personally, gumagamit talaga ako ng mga maong. So alam ko kung ano ang mga pwedeng silhoutte for maong na pwede kong suotin.

Pero gusto ko in the future gusto ko pa rin magfashion, kasi feeling ko yan talaga ang soul ko. Gusto ko talaga magfashion design ako to create clothes that will make my clients feel good. Yan ang gusto ko talagang mangyari sa buhay ko.

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites