People & Inspiration

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: Looking Back At College Life

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: Looking Back At College Life

Editor’s Note: Mimiyuuuh is forever grateful to her alma mater.  Not only did she get to study at her dream school, but it offered her the chance to take up her dream course for free. 

She recently graduated from De La Salle College Of Saint Benilde with a bachelor’s degree in Fashion Design & Merchandising. Here, the scholar shares her two cents on her student years while looking back at them in fond memory.

[related: #ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: This Is How I Vuh-log!]

Higit sa lahat, ang favorite moment ko nung college is staying up late sa school. Ang latest namin sa school is hanggang 10. Nakakatuwa ang Benilde for letting us stay dahil nagtahi kami, tapos yung mga friends ko, ang saya lang namin ma-stress. Na-stress kami pero nagpatawanan pa kami. Kaysa mag-work ka mag-isa sa bahay, may mga kasama ka. Pwede kang magtanong sa kanila, 'tas parang hindi ka ma-bo-bore. May kausap ka habang magtahi. 

[related: From The Editor: Mimiyuuuh To Share Fashion Savvy (And) Sass As #ABSCBNLifestyleInspo!]

Akala ng ibang tao, a fashion course is a “hobby course.” Hindi talaga sya hobby—fashion is business. Pag sinabihan mo “hobby course,” madali yun. Pero, technically, hindi madali maging fashion student! Lahat naman ng mga course mahirap, pero masasabi ko iba ang fashion kasi kailangan ng output at creativity. Dapat sa lahat ng bagay, hindi ka lang sa isa magaling; dapat lahat marunong ka. It pushes you to do a lot. Kunwari, kailangan ka marunong mag-write and speak, kasi paano ibebenta ang damit mo?  Parang ni-dyu-judge yung mga damit tapos i-explain yung garments mo. Kailangang marunong ka din mag-present. 

Ang tawag talaga ng course namin "Fashion Design And Merchandising." Yung merchandising ay ang business part ng fashion. Hindi lang siya art; dapat maging business sya kasi aanhin mo ang art na hindi ka naman kumikita ng pera? Sa merchandising, tinuturuan kami kung paano kami magbenta at paano kami mag-cocompute ng mga costings namin. Dapat marunong ka din mag-Math. Pati pattern-making, may math! Feeling ko it is different kasi it’s everything in one course.

If there’s anything I’ve learned, it’s to dream bigger. Kung naniniwala ka talaga, ma-achieve mo yung isang bagay talaga. Diba, ako talaga gusto mag-Benilde? Nakuha ko naman sya. And if you work hard, it will all pay off. Minsan, papasok ka na walang tulog, puyat, at gutom. Pero nakakutawa ang feeling pag nakita mo na yung mga damit mo naka-display.

ALSO READ: Style Inspo: Puff Sleeves Are Everywhere, And These Fashionistas Are Huge Fans!

Interview by Angela Sy | Photographs taken from my Instagram and YouTube accounts

Banner image by Kang Garcia

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites