People & Inspiration

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: My Young YouTube Career—In Retrospect

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: My Young YouTube Career—In Retrospect

Editor’s note: In the short time since she started her YouTube channel, Mimiyuuuh has a lot to say about it. Here, the full-time vlogger reflects on her journey as a content creator and what keeps her going.

Nagyo-YouTube ako nung elementary and high school for music videos. High School Musical ang pinapanood ko nun. Dun ako nag-start ma-expose sa YouTube. Wala pa sa isip ko yung pag-vo-vlog.

Ang unang video ko na nag-viral ay yung Kahit Ayaw Mo Na challenge. Ginawa ko ng step sa kanta 'tapos sabi ng friends ko, “Alam mo Mimiyuuuh, mag-vlog ka na kasi habang medyo mainit ka pa, tsaka relevant ka, bakit ayaw mo subukan sa iba namang platform?” Sila talaga nag-push sakin para mag-vlog!

[related: #ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: This Is How I Vuh-log!]

Ang bilis na mga nangyayari. In six months, meron ako 700,000 subscribers! Sobrang dami! Nagulat ako at natuwa na rin kasi maraming na-appreciate ng mga videos ko. Nag-me-message yung mga subscribers ko sakin na, “Keep making videos Mimi, kasi ikaw nagpapatanggal stress ko.” Other than yung kita, yung mga tao na umaasa sa yo para sumaya ang nag-pu-push sakin na mag-YouTube.

Nanonood ako kila Alex Gonzaga and Bretman Rock for YouTuber inspiration. Gusto ko yung funny and good vibes lang. Challenges rin. Actually gusto ko i-feature si Alex sa vlog ko! Tsaka gusto ko ng mga singers! Si Ate Sarah G kasi Popster ako ever since! Turuan ko siya mag-vocalizationism!

Sa vlogging, like ko how you bring good vibes to other people. Like ko rin yung pag-iisip ng content. Hindi ka lang nasa bahay—parang gumagana pa rin yung pag-iisip mo ng bago at unique content. Sobrang bait din yung mga tao sa YouTube community! Gusto ko yung energy nila and that I get the chance to meet new people.

Ang dislike ko sa YouTube is editing. Na-de-drain ako. The whole day, kakainin niya ang pag-e-edit ng 30 minutes. Sobrang time consuming! Dislike ko rin ang negative comments! May nababasa ako pero baka prepared ako for them kasi di ko talaga pinapansin kung ano yung mga mali sakin. I-ne-embrace ko na lang. Kunwari, may nabasa ako na parang, “O bading ka nga, bakit ka pa?” Sawa na ako sa mga ganoong bagay. Dedma na talaga ako. Wala akong pakialam. Mas kilala sarili ko. Sayang rin ang oras na pagiisipan. Imbis na magpakain ka sa mga comments, magisip na lang ng bagong content!

ALSO READ: Hot Stuff: We Are Feeling Mimiyuuuh's Impact!

Photos taken from my Instagram account

Banner image by Kang Garcia

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites