People & Inspiration

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: This Is How I Vuh-log!

#ABSCBNLifestyleInspo Mimiyuuuh: This Is How I Vuh-log!

Editor’s Note: Being a content creator can be very fun. But there’s more to it than talking in front of a camera. A lot of work goes into vlogs—most of which, audiences may not even realize. In this article, our newest ABS-CBN Lifestyle Inspo, Filipina vlogging sensation Mimiyuuuh reveals the technical process behind each of her viral videos and the real reason why she started vlogging in the first place.

With content creating, once may pumasok sa isip ko, sinusulat ko na kaagad, para if ever wala na talaga akong maisip, halos may backup akong plan.

Yung video editing naman…sa una, medyo awkward siya kasi starting pa lang ako. Pero as time passed and pina-practice ko sya, mas nagiging smooth na yung pag-vi-video ko. Ang pinakamahirap na part for me as a vlogger is editing. Sobrang time-consuming and nakaka-drain kasi sobrang haba ng oras nakaharap ka sa computer.

Wala akong crew para mag-shoot!  Pero, kunwari, 'pag outdoor shoot, sasama ako ng friend para may tagahawak ng camera.

Ang upload ko is once a week. Every Monday ako nag-su-shoot 'tapos Tuesday ako nag-e-edit. Pero, kunwari, may schedule ako ng Monday, I do have to move yung shoot day, ganun.

For the camera, binagay ito ng isang YouTuber sakinsi Claro The Third—kaya tuwang tuwa ako. Canon G7X. For laptop, nung una nanghihiram pa ako sa kuya ko. Once na nagkaraket na ako, bumili ako na sarili kong laptop—Apple! Yung editing software naman is Filmora.

But to be honest, hindi naman talaga pumasok sa isip ko ever na, “Gusto ko mag-vlog.” Sinubukan ko lang and in-accept ako ng vlogging community. Kaya na-feel ko na baka this is the job really for me. Also, nag-start yung vlogging after nung first work ko. Assistant designer ako dati ni Sir Mark Bumgarner. Baka it’s a blessing in disguise na nag-resign ako sa job to pursue vlogging.

ALSO READ: ABS-CBN Lifestyle Asks: Mimiyuuuh's List Of Hot Titos And Titas At #ABSCBNBall2019!

Interview by Angela Sy | Photographs taken from my Instagram and YouTube accounts

Banner image by Kang Garcia

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites