People & Inspiration

Lifestyle Hotshots: It’s Showtime's Hunk Of The Hour Ion Perez Bares All About Family And Fame

Lifestyle Hotshots: It’s Showtime's Hunk Of The Hour Ion Perez Bares All About Family And Fame

Everybody's fave noontime show It's Showtime has paved the way for many aspiring artists to find their way into the spotlight. Among the most loved talents are dancer Jackie "Ate Girl" Gonzaga, comedienne Donna Cariaga,  "Tawag Ng Tanghalan" winner turned New Gem of OPM Janine Berdin, and the Big Shot Trio, the TNT Boys—who are now enjoying the perks of showbiz. Lately, the hunky but small-voiced Ion "Kuya Escort" Perez has been charming audiences across the globe with his mestizuhin looks and effortlessly amusing, soon-to-be-iconic "dance moves"—iconic, we say, with his stationary dance once the "Lintik Na Pag-ibig" chorus drops. Ion, 28, actually grew up in the pageant scene, working his way up in modeling gigs here and there until eventually landing a spot on TV. (In a twist of fate, he is actually the third "Kuya Escort," having subbed the first ones.)  As much of a gentleman as he is on screen, the same goes for how he’s actually been his whole life—by striving to take care of the people he loves, all while enduring the challenges of making a name for himself. Read up on the rest of his inspiring story here!

[related: Hot Stuff: Beware Of Some Major Heat Wave With Our #ABSCBNLifestyleHotshos 2019 A-Comin'!]

Describe yourself in five words.

Humble, strong, maka-Diyos, at simpleng tao lang po. And nakakatawa! Ha ha!

How do you think people see you?

Sa ngayon po kasi yung tingin ng tao sakin, akala nila porket sumikat negative na agad ang tingin sa akin. Hindi na mawawala yun. Yung sinasabi nila na dumikit lang ako kay Vice (Ganda), na sipsip ako—hindi naman sa ganoon. Ginagawa ko lang talaga yun kung sino po talaga ako. Nagpapakatotoo lang ako sa tao. Siguro nagustuhan din ako nila Kuya Vhong (Navarro), nila Kuya Jhong (Hilario)—kasi totoong tao ako eh. 'Tapos lalo na si Vice, parang natutuwa sakin. Hindi ko na iniisip yung sinasabi ng iba. Kasi kapag sila yung iisipin ko, mawawalan ako ng focus sa gusto kong gawin.

What is something you’d be happy doing every single day?

Work hard siguro sa training ko. Athlete kasi rin ako eh so, parang gusto kong mag-train habang nag-e-enjoy.

What is something spontaneous you’ve done lately?

Nagpa-tattoo ako! Isang gabi kasi, may nakita akong astig na tatt. Hindi ko talaga siya pinag-isipan, pero tinandaan ko lang talaga yung artist. Sakto kinabukasan, wala akong gagawin, so pumunta ako tapos nagpa-tattoo ako!

[related: Hot Stuff: Hashtag Hunk Zeus Collins Pulls A Zac Efron And Stars In His First Dance Musical!]

How do you like to spend your alone time?

Gusto kong mag-beach mag-isa. Hindi talaga ako mahilig mag-beach, pero pag alam ng sarili ko na kailangan kong mapag-isa, mga two or three days, or kahit sa ilog lang doon sa amin.

What do you think about when you’re by yourself?

Yung future, 'tapos yung pamilya ko po. Kasi yung pamilya ko, sa sobrang laki, minsan magulo. Fifteen kami! Sampung lalaki, limang babae. Iniisip ko, kasi yung mga kuya hindi naman din sila nakatapos, kahit papano makatulong po ako sa kanila. Sa mga kapatid ko, nakakatulong ako sa mga pamangkin ko. Iniisip ko na paano kung wala ako sa pwesto ko na ito, hindi ako kumikita so, paano na? Kung dun nalang ba kami, nagtitinginan na lang ba? At saka yung pinagdaanan namin sa buhay. Hindi ganoon kadali yung pinagdaanan ko sa buhay. Kung paano ko ito narating, kung anong mayroon po ako ngayon, parang ayaw kong bitawan talaga. Simple lang naman po ako. Basta masaya ako, at yung mga mahal ko. Yung tipong nagkakasundo ang lahat.

What is the best phase of your life?

Yung nag-survive kami ni nanay within five months na hindi nag bibigay ng sustento si lola kay nanay. Ako yung gumagawa ng paraan, nagtitinda ako. Kasi yung barkada ko may pwesto sa palengke, at kulang sila sa boy, 'tapos nagtulong-tulong po ako doon. Tapos binibigyan naman po ako ng PHP 250 a day, 'tapos dadagdagan pa ng mama niya, nagiging PHP 500. So sa pang araw araw pinagkakasya namin, yung PHP 500.

Doon ko nasubok yung sarili ko, na hindi ko iniisip na ganito pala. Dati umaasa lang ako sa lahat, kasi noong bata kami, umaasa lang kami. So noong nasa edad na ako, kaya ko pala magtrabaho. Kaya ko palang makatulong sa ganoong paraan. Hindi naman kalakihan, pero masarap pala makatulong sa ganoon.

What is your bucket list for this year?

Mag-ipon, work hard, para mabigay ko na yung negosyo ko para kay nanay. Kasi po, si nanay mahilig po siyang magluto. So, kahit maliit na canteen lang. Si nanay kasi sobrang galing sa pag luto. Kasi bago pa ako pumunta ng Maynila at pumunta ng pageant, tinutulungan ko si nanay na mag tinda ng mga kakanin. Magluluto sya tapos titinda nya sa harap ng bahay namin. 'Pag hindi naubos yung tinda niyang lugaw, pag dating ng hapon, bubuhatin ko tapos iikot namin sa barangay. Si nanay talaga yung nagpalaki sakin.

ALSO READ: Dining Delight: This Famed Chinese Resto Just Updated Its Menu With More Mouth-Watering Surprises!

Produced by Mels Timan | Creative direction by Barry Viloria | Photography by Vyn Radovan | Cinematography by Lui Jimenez and Christina Zabat | Editing by Christina Zabat | Styling by Camille Santiago | Grooming by Angie Cruz for Make Up For Ever | Shot on location at Destino Beach Club Dive Resort And Hotel, Bauan, Batangas | Special thanks to John Brillantes of Reco Models, April del Rosario, Portia Dimla of Star Magic, Olli Sara, Fel Sison-Garcia, The staff of It's Showtime, and Havaianas Philippines

Banner image by Kang Garcia

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites