People & Inspiration

In Focus: No Kidding—Here Are The Biggest Life Lessons Ethel Booba Has Learned In Showbiz Comedy!

In Focus: No Kidding—Here Are The Biggest Life Lessons Ethel Booba Has Learned In Showbiz Comedy!

When it comes to funny libraries on the internet, Ethyl Gabison’s Twitter account easily comes to mind. Be it political views, love hugots, or everyday thoughts, the TV personality's online persona just makes everything... lighter.

Ethel Booba is just as candid offline, speaking her mind in honest and witty ways that are sure to make anyone crack up. She exemplifies the same as she talks about her journey below—one so inspiring, you should take it in without laughing.

[related: ABS-CBN Lifestyle Asks Rufa Mae, Ethel, And More Comediennes: How To Handle These #MillennialProbs?]

How did you get into showbiz comedy? 

Actually, sumali ako ng Sing Galing sa ibang channel. Undefeated champion ako ng 13 weeks. 

What inspired you to get into comedy?

Nasa Punch Line ako dati, wala pa silang mga babae na komedyante. Tapos kinuha nila ako tapos dinevelop nila ako. Gusto daw nila na mayroong babae naman. Tapos nung tumagal-tagal na, mayroong nanonood na sa taga-isang channel nun, nagpe-perform ako sa Punch Line. Sabi nya, “Gusto mong sumali sa Sing Galing?” Tapos ayun na, sumali ako. During nung nasa Sing Galing ako, nagkaroon ng search kapalit ni Miriam Quiambao para kapartner ni Paolo Bediones. Kinuha nila ako. Nung nanalo si Phoemela Baranda tapos ako yung People’s Choice. Nasali ako sa show. Comedy 'yun. 

Since then, mahilig ka na magpatawa?

No. Dun lang sa shows na-develop tapos kasama ko lagi mga bakla! Ha ha!

What are your personal traits that make your job the right fit for you?

Dahil sa pangangailangan! Ha ha! Natural lang talaga ako kaya ganun kasi pagkascripted, hindi maganda. 

When you were starting out in the industry, what skills did you have to learn?

Makipag-communicate sa mga tao. Kailangan alam mo kung hindi sila puwedeng biruin. Kailangan alam mo 'yun and sensitive ka sa mga ganung tao. 

What persona do you take on when you’re on cam or onstage? 

Wala, ako lang talaga. Kaya mas natural eh. Ako lang. 

What were your impressions of fame before you got into show business? 

Bata ko pa nun, siguro mga 20 lang ako. Laki pa ako sa lola tapos hindi ako masyadong chismosa sa mga kaganapan ng artista. Hindi ako nangingi-alam sa buhay nila. Dumating lang talaga siya. Nung na-experience ko na siya, parang “Ay, ganito pala. Ang saya pala.” Pero yung sa akin lang, sinaksak ko sa utak ko na hindi ito panghabang-buhay. Dapat ready din ako lalo na yung ibang generation, gusto nila bago nang bago. So naprepare ko na ang sarili ko. Pero dati, grabe, sobra yung fame. Wala ka nang peace of mind. Kaya minsan, nakakaiyak na din. Parang “Gusto ko yung parang dati! Gusto ko mag-mall.” Pero nung naging okay na, sabi ko, “Ito naman gusto ko eh, sinwerte talaga ako.” Kaso iba din, wala kang privacy masyado at peace of mind. Paano ka magkakapeace of mind? Pagod ka din lagi. Hindi din maiintindihan ng tao kapag mag-attitude ka. Gusto ko lang din minsan, “Ito lang mood ko.”

What are the life lessons you learned in your years in showbiz? 

Huwag mong papabayaan family mo kasi kahit anong mangyari, sila yung nandiyan sa’yo. Pangalawa, pahalagahan mo mga nagmamahal sa’yo, lalo na yung mga tumutulong sa’yo. Tapos dapat alam mo kung sino yung totoong kaibigan mo at hindi. Pinakanarealize ko ito nung nawawalan na ako ng show. Naramdaman ko. Pero yung family talaga, kahit anong mangyari—sumikat ka man o mamulubi ka, sila at sila ang tatanggap sa’yo.

ALSO READ: ABS-CBN Lifestyle Asks Rufa Mae, Ethel, And More Comediennes: How To Handle These #MillennialProbs?

Produced and Directed by Mels Timan | Photography by Vyn Radovan | Editing by Christina Zabat | Interviews by Rona Niccola Villanueva | Styling by Myrrh Lao To | Shot on location at Citadines Bay City Manila

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites