Health & Wellness

Fitness Inspo: Dream Daddy Of Many, Christopher Roxas Has Found A Renewed Sense Of Self Recently

Fitness Inspo: Dream Daddy Of Many, Christopher Roxas Has Found A Renewed Sense Of Self Recently

Charging into his 40s, without his stubble, actor Christopher Roxas still looks like he how did when we first knew him on Mara Clara. Okay, fine, that was an exaggeration. But see it's not just the genes—it's also on how he has kept his bod real tight these past few years. Christopher remains active in showbiz, while keeping busy in his businesses with fellow TV staple and wife Gladys Reyes and adventuring aboard his beloved bike! 

How do you define being “classic?"

You never go out of style. You are timeless. You bring out nostalgia.

When people look at you, what do you think they see or think?

Ako, I’m just me. I don’t pretend to be anybody else. Hindi ako namumuhay para sa mata ng iba. Friendly naman ako so pala-kaibigan. I'm happy-go-lucky and grateful sa lahat ng bagay.

What are three interesting facts about you that is not common knowledge?

Akala ng mga tao, suplado ako. Hindi kasi ako nakikipagusap masyado kapag hindi ko kakilala pero kapag okey na, sobrang pakikipagkaibigan. Basta akala nila, tahimik ako or suplado ako pero hindi naman! I also sing pero kapag nasa mood lang ako. 

What is something you like to do the old-fashioned way?

I live my life the old-fashioned way. Iba na mga bata ngayon, eh. Ako, I grew up old-fashioned na ikaw ang gagawa ng ganito. Tingin ko mas naniniwala ako dun sa upbringing nung araw eh kaysa sa bago. Kahit sa love, kapag na-in love ang bata ngayon, iba, eh. Nakikita natin sa social media na kapag na-i-inlove sila, minsan kapag hindi nabigyan ang gusto, nagpapakamatay or something like that. Ang courting, ngayon, if I wanna get your number, I’m just gonna pass my phone then you put your number if you want to. If not, okey lang. Pero dati, I have to talk to you and say hi, and ask talaga for your number. Iba yung courting nun, eh! Dati, mas nabibigyan ng attention yung romance talaga. Ngayon, hindi na.

Sa style, I also don’t need a lot of things. I don’t buy a lot of clothes. Sa totoo lang, mas mahilig ako sa lumang bagay. Mas mahilig ako sa classic na gamit—mga vintage! Mas naniniwala ako sa tibay at sa ganda. Dudumi sya pero kapag nalinis mo, okay na ulit. Ganun din kung paano mo i-present sarili mo.

[related: Fitness Inspo: At 43, The Steaming Ina Raymundo Has This Childhood Habit She Never Wants To Outgrow]

What’s the most surprising self-realization you have had?

That I can really talk, that I can really speak to people. Kaya ko palang mag-share sa mga kaibigan ko about my life experiences. And na-ta-touch ko rin sila. Kasi dati,  nasa likod ako nila. (Ngayon), kaya ko palang tumayo at magsalita.

When did you realize that?

When you grow old, you get to think a lot of things. Kasi, mayroong time sa buhay mo na everything was going so smooth na parang, “Oh, now is my time!” Then, biglang “Bang!” Nawala lahat. It messed me up a lot—big time. That was around 2012—I was doing shows na ganyan tapos biglng nawala lahat. I was questioning (myself), “Bakit ako nandito?

Sometimes, you need to figure things out by yourself. I’m happy but I’m not that happy kasi nga mayroon akong hinahanap, so pinagdaanan ko yung mga ganitong stages. Naalala ko yung mga ganoong stages—I drank a lot! 'Tapos puro kaibigan. Nagtatampo ako sa asawa ko nang wala namang rason. So yun, I went to Baler. First time ko dun. Dun ko na-figure out na dapat pala ang buhay, simple lang. Yung mga bata dun, they wake up 5 or 6 in the morning. Kasama ko sila, then we will catch like three perfect rides. Then, papasok na sila sa school nila. After school, they’ll go back home. Then, okey na ulit. Ang simple, di ba? Life doesn’t always have to be complicated. We just complicate things.

Sa trabaho namin, hindi ako namumuhay sa mata ng iba. But sometimes you have to kasi you’re "selling" yourself. Na hindi ka pwedeng lumabas na yung kotse mo, o ganito ka lang. Yun yung mga dating nasa isip ko na, “I have to buy this” o “Kailangan may ganito ako!” Materyal lahat. Pero kapag masaya ka sa kung ano meron ka, everything will follow. Plus, dun ko na rin na-practice yung being grateful for everything. We’re not rich, but we have more than enough. And ang pinaka-achievement ko din, maging maayos na tatay and asawa.

What’s the best thing about getting older?

You’ll learn a lot. Sabi nga ni Bob Ross, “There’s no such thing as mistakes. Only happy accidents.” When you make mistakes, you learn. But dapat yung mistake na yun, tanggapin mo. Keep in mind na you gotta learn from it, so hindi mo na gagawin ulit. As you grow older, you see things differently. 

What’s the worst thing about getting older?

Wala! It’s up to you if you wanna feel old! It’s up to you if you wanna be a couch potato at 50. Sabi nila, age is just a number, oo naman! Ako tinitignan ko yan as lumang kotse, kapag hindi mo na-maintain yung luma mong kotse, hindi mo naalagaan, it cracks. It fails. Like cars, may components yung makina. Ganun din ang tao, so dapat alam mo yung puso mo. Dapat ang nilalagay mo sa yo, alam mo, kasi mine-maintain mo yan, eh. Kapag na-maintain mo yan, yung value tumataas. Kapag binenta mo na sya, it runs well

[related: Love Actually: Gladys And Christopher Tear Up Looking Back On Their 26 Years 'Alone Together']

How different was your life 10 years ago?

Hindi naman nagbago. Okay pa din naman kami. Wala naman akong hiniling sa buhay ko kundi maayos na pamilya. Siguro, 10 years ago, I was thinking like a child still. May mga gusto ako na hindi ko alam at hindi ako sigurado. Typical na nag-asawa nang maaga. 

What are you most looking forward to in the next 10 years?

Mga anak ko, na makita ko silang malalaki na! Mag-se-celebrate ulit kami ng asawa ko. Nakikita kong maganda ang 10 years namin from now. Ten years more, we’re gonna do more with God’s help and God’s grace. Sabi ko nga, we don’t need a lot. Pero siguro yung totoong happiness, mas malaki pa ang ibibigay sa amin. I believe that what we have with my family is special. It’s something we’re grateful and lucky for because not all families are like ours.

ALSO READ: Beauty Inspo: These Girls Dared To Try This Season’s Hottest Hair Trend—The Side Sweep!

Produced and directed by Mels Timan and Jeffrey Hidalgo | Interview by Jeffrey Hidalgo | Photography by Vyn Radovan | Styling by Camille Santiago | Makeup by Carmel Villongco for Dior | Hair by Triple Luck Brow & Hair Salon | Shot on location at Discovery Suites Ortigas

Popular

Latest

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites