People & Inspiration

Daily Diaries: "Third Wheel No More" Alex Gonzaga Mentors You On Love And Relationships

Daily Diaries:

Falling in love? That's the easy part. But once the relationship starts, how do you nurture a loving and lasting relationship? What's the glue that holds it all? Here, we've rounded up some of the best relationship advice and tips that Alex Gonzaga shared during the last leg of Chalk Magazine's Campus Tour at the Technological Institute of the Philippines.

 

Make your love last. "Ang pagbo-boyfriend ay hindi pang mabilisan, ito ay pang matagalan. Dapat di tayo nagbibilang, dahil pag nagbibilang tayo, nagbibilang din tayo ng sakit. 'Pag nagbibilang tayo hindi s'ya seryoso. Kaya po tayo nakikipag-date, hindi para lumandi, hindi para magkaroon lang ng ka-text, nagbo-boyfriend tayo dahil gusto natin makasama 'yung lalaking yun o 'yung babaeng 'yun pang habang buhay."

 

All is fair in love. "Ang pakikipag-relasyon, para tayong may box of fruits d'yan. Ang sinasabi nila sa relasyon 'di ba, dapat pantay ang bigay mo, hindi pwedeng lahat ibibigay mo, hindi din naman pwedeng kuha ka ng kuha, dapat fair, nagco-complement kayo, may ibinibigay sya, may ibinibigay ka, give and take kayo."

 

Learn to let go. "'Yun namang may mga ex, kaya sila nawala sa buhay nyo kasi may purpose 'yun, wag nyo nang balikan. Minsan tayo, lalo pag ga-graduate na ng high school, ito ang tinatawag na High School Theory, ha. Laging sinasabi ng mga tao, 'pag tinatanong natin sila, lalo na pag naghahanap na ng trabaho, laging tinatanong, anong favorite part mo sa buhay mo, sasabihin ng mga 'yan, nung high school kasi sa totoo lang ang sarap. Pero kung tatanungin mo yung mga kaibigan mo na sige, balik tayo sa high school, ulitin natin yung mga months, gagawin nyo ba ulit ang four years na 'yun? Hindi. Kasi tayo minsan, hindi natin iniisip yung isang bagay, tinitingnan lang natin yung happy memories, hindi natin tinitingnan yung bakit sya natapos. Kaya mo ba? Kaya mo bang ulitin mula Day 1?"

 

Start a relationship with yourself. "Ang buhay ay parang eskwela, hindi ka makakapasok ng Grade 8 kung hindi ka nakapasa ng Grade 7, so dapat para mag-elevate ka, dapat meron kang natututunan, pumapasa ka sa exam. 'di pwede na yung alam mo nung grade school, 'yun pa din ang alam mo, ang gagawin sa'yo repeat ka ng repeat. Ganun po ang buhay, hangga't di ka natututo sa test na binigay sa'yo paulit-ulit lang tayo, kaya minsan tatanungin natin sarili natin, bakit ganon ito din problema ko last year, bakit ganon 'yung ex-boyfriend ko ganito din hanggang ngayon ganito pa din magiging reason kung bakit kami maghihiwalay. 'Yan at dahil hindi ka natututo, kaya hindi ka i e-elevate ni Lord, hindi n'ya ibibigay ang bigger blessing kung hindi mo matututunan 'yung dapat mong matutunan kasi pine-prepare ka nya. So, bawat exam sa buhay, pag nahihirapan ka, tine-test ka ni Lord, kailangan may matutunan kayo, kailangan 'pag tapos nun hindi na Alex n'ung Grade 6. so dapat may iba ka nang natutunan. 

 

Listen, learn, love. "Kapag meron kayong pinapatulan tapos meron kayong gut feel, merong nagsasabi sa loob nyo na hindi ito para sa akin, mararamdaman n'yo yun eh. At kailangan n'yo ring pakinggan ang mga sinasabi ng magulang n'yo, kapatid n'yo, galing tayo sa kanila eh.

At kaya kayo binibigyan ng dating period kasi dun pa lang makikita n'yo na 'pag medyo may something na at 'di na kayo kampante, pinagpe-pray n'yo na kay Lord at kapag sinabi ng inyong magulang na hindi, totoo talaga 'yan. Maniwala kayo sa mga magulang, binigay ng Diyos yan."

 

ALSO READ: Daily Diaries: Words Of Wisdom On Genuinely Getting To Know Your Crush

 

Photograph from Instagram.com/deniseochoa

 

Latest

Popular

Trending

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites