People & Inspiration

In Focus: Getting To Know Award-Winning Comics Creator Manix Abrera

In Focus: Getting To Know Award-Winning Comics Creator Manix Abrera

I met Manix in the U.P. College of Fine Arts where he was my batchmate a long time ago in the early 2000s era. Since then he has become an acclaimed and awarded comic book illustrator-slash-graphic novel writer known for his continuing belly-laugh-inducing, mostly social-commentating comic strip creation, Kiko Machine Komix. He has also evolved by doing wordless comics on the side communicating purely through illustration. In our batch we always knew Manix as the son of famous editorial cartoonist, Jess Abrera (yung anak na medyo may permanent smile kahit ngarag na LOL) but early on it was already spotted that he sort of had his own world in orbit and something special going for him. I can't ever forget the work he did for our thesis deliberations, I remember the exhibit, the art, and characters that lifted off paper when you looked at them. In this exclusive, Manix gets chatty about his art, his process, and more:

 

1. How old were you when you began drawing and do you remember what were some of your most favorite things to draw in those early years? "Sabi sa akin ng magulang ko, batang-bata pa lang raw ako nagdo-drawing na ako, haha. Ang pinaka-maagang naaalala kong dino-drawing ko noon ay ang loob ng bahay namin, ginagaya ko lagi, yung mga upuan, lamesa, etc. haha. Tapos naaalala ko gumagawa na rin ako ng mga comics noon tungkol lagi sa mga robot at mga ninja (na weird kapag binasa ngayon, kasi hindi talaga maintindihan hahaha). Meron din akong ginawang 'graphic novel' nung bata pa lang ako, ang title niya ay Adventures of F.T. Boy (Flat-Tops Boy) na all-out adventure hahaha."

 

2. Your father, Jess Abrera, is the famous editorial cartoonist. Were you one of those kids who said early on that when you grew up you knew you wanted to be just like him or was it a case of you just knew you loved drawing but weren't sure yet if you'd make it a career... and then just wait and see how things turn out? "Idol ko ang tatay ko noon pa lang sa larangan ng pagdo-drawing! Tapos idol ko naman ang nanay ko sa larangan ng pagkukwento! Kaya bata pa lang ako, alam ko na noon pa na gusto ko talagang gumawa ng comics hehe. Pero hindi ko inisip na gagawin ko siyang career (kahit noong college na ako). Naramdaman ko lang ito pagka-graduate ko, nalaman kong mahal ko talaga ang paggawa ng comics. :) " 

 

3. What were a couple of your fondest memories as a student during your time in UP and what do you miss about them? "Naaalala ko noon yung TDT (Talent Determination Test) natin para makapasok sa Fine Arts. Super kinakabahan kasi ako noon, dahil yung mga katabi ko, ang gagaling masyado! Sa part na freehand drawing, yung may ido-drawing tayong statue, pagsilip ko sa mga gawa nila, akala mo picture! Ginaya ko yung style ng pag-drawing nila (sina-smudge yung graphite), kaso pumanget lalo yung drawing ko hahaha! Kaya inulit ko na lang uli, at hindi ko na sila ginaya at tiningnan hahaha."

"Nakakamiss din yung halos lahat tayo sa klase, laging last-minute ang paggawa ng plates haha. 15 minutes bago ang class, tsaka pa lang tinatapos ang mga drawing, tapos tatawagin na lang na "art" kapag mukhang minadali yung itsura. Hahaha!"

 

4. Amidst overwhelming distractions in everyday life nowadays how do you manage to zone out and stay disciplined and focused? "Ang ginagawa ko para hindi ma-distract, kapag nagdo-drawing ako, hindi ako nag-o-online talaga. As in wala ako sa computer, lumalabas ako ng bahay, nakapatay ang internet sa phone, tapos talagang tutok lang sa pagdo-drawing at pagsusulat."

 

:'D Samsonite Red - Toids briefcase :) @samsoniteredph

A photo posted by Manix Abrera :) (@manix_abrera) on

 

 

News Hardcore for this week! :'D Abangan po bukas hehe. XD

A photo posted by Manix Abrera :) (@manix_abrera) on

 

"Malaking bagay din kasi sa akin ang pag-o-observe, kaya kapag lumalabas ako, pinapanood ko talaga ang mga tao, at madalas pinapakinggan mga usapan ng strangers sa paligid ko hahaha. Ito yung material ko rin kasi sa mga comics na ginagawa ko."

[related: Dining Delight: Alamat Filipino Pub & Deli, Makati—Savor The Regions After Dark]

 

5. What's your favorite time of day to create and draw... and how much time out of a day to you carve out for it? How many hours straight can you draw? "Ang favorite time of day ko para mag-drawing ay gabi. Paminsan masaya rin mag-drawing sa hapon, pero gabi talaga ang favorite ko, minsan umaabot ng madaling araw. Madami akong naiisip sa gabi lalo na kung umuulan pa haha."

 

"Yung pag-isip ko sa stories, tuloy-tuloy lang, walang tigil. Pero yung mismong pag-drawing, usually sa isang araw mga three-four hours akong nagdo-drawing. May mga araw naman din minsan na umaabot akong seven hours sa pag-drawing. Pa-iba-iba hehe."

 

 

"May mga araw din na hindi ako makapag-drawing (kung pilitin ko, pangit ang lumalabas) pero mas nakakaisip ako ng stories, so magsusulat lang ako nang magsusulat sa araw na iyun sa notebook ko ng ideas, hehe."

 

6. Aside from art what are you into? "Super hilig ko pa sa maraming bagay haha. Mahilig ako sumama sa mga kaibigan umakyat ng bundok, at sumisid ng dagat. Tumutugtog din paminsan-minsan. Ang isang madalas ko rin ginagawa linggo-linggo ay cycling, madami akong naiisip kapag nagbibisikleta kasi haha."

 

7. Do you write/imagine all the stories for Kiko Machine comics? "90% ng material para sa Kikomachine, napulot ko sa pakikinig sa strangers! Hahahaha. Sa jeep, sa MRT/LRT, sa bus; minsan nagko-commute lang ako basta para makinig hahaha. Kapag naglalakad-lakad, marami akong makikita at napapansin ding pwedeng gawing comics. Tapos paminsan, may mga nagsa-suggest sa akin ng stories na pwede kong gawin hehe. Minsan din, may mga nakukwento lang ang mga kaibigan ko, tapos biglang magpapaalam ako kung pwedeng i-comics kasi super panalo yung kwento haha, tapos ike-credit ko sila at papasalamatan sa strip kapag ganun, haha."

 

8. What's the toughest lesson you had to learn so far as an artist? You can share about one of the toughest challenges you had to get through to make it to where you are today. "Personally, ang pag-overcome sa mood/s ng pagiging artist hahaha. Lalo na kapag may deadline, mahirap yung hindi ka pa makagawa kasi hindi ka pa 'inspired' hahaha. Ganoon ako nung nagsisimula, kapag hindi ko pa feel magdrawing, hindi ko pa magawa. Pero sa pagtagal, natuto na rin akong i-tame ang mood/s ko, at gamitin ito sa paggawa ng comics mismo.

 

Napakahirap din yung first step, ang pagsisimula sa lahat. Kasi ang dami mong iisipin, nakakahiya, baka pangit pala ito, baka walang maka-gets ng gagawin mo, etc. Pero kapag nagawa mo na yung first step na iyun, makikita mo rin na mas madali na yung susunod, at mas madali pa lalo yung susunod pa. Hanggang sa parang lumulutang ka na sa hangin haha. 

Napaka-importante rin (para sa akin) na mahal mo yung ginagawa mo (anuman ang art mo); kasi for sure maraming challenges ka na haharapin, as in parang sinusubukan ka talaga ng tadhana kung ito ba talaga ang gusto mo gawin. Kapag nalagpasan mo yung mga yun, grabe ang saya at ang feeling! Hwooh! Haha :'D At mararamdaman mong tila minamahal ka na rin ng art mo, haha."

 

9. What's your idea of a perfect vacay and what's the next foreign country you want to visit? "Yung tatambay lang sa beach tapos nakalubog yung paa sa buhangin! Tapos maraming oras para maglakad, mag-bike, tsaka magbasa-basa ng libro hahaha. Tapos ang mga gusto kong puntahan din talaga ay mga dagat, as in ilalim ng dagat (to dive hahaha), kaya yung next na gusto kong bisitahin uli (sa Pilipinas hahaha) ay Tubbataha Reefs, kasi napaka-otherworldly niya, grabe! Nakakaiyak hahaha :'D Kaya rin nung ginawa ko siyang comics, ginawa kong sci-fi kasi ganun ang feeling. Tapos ang daaaami pang reefs doon na 'di pa namin napuntahan haha."

 

Bird islet sa Tubbataha :)

A photo posted by Manix Abrera :) (@manix_abrera) on

 

10. Please kindly make a little doodle or graphic drawing that represents maybe how you see yourself in the next five years? 

"Kaya ganyan yung drawing ko, kasi nakikita ko yung sarili ko na tuloy pa rin ang pagkokomix, at hopefully mas lumawak pa ang mga magawang comics hehehe. :'D Yehey! :)"

Illustrated by Manix Abrera exclusively for ABS-CBN Lifestyle

 

Sa National Book Awards Kagabi :') Super super salamat uli! (Hindi pa rin makapaniwala, waah!) :'D Hardcore!! :'D

A photo posted by Manix Abrera :) (@manix_abrera) on

 

Manix is launching his 12th installment of Kiko Machine graphic novels Mandirigma ng Tadhana this November 19 until December 3 in the following venues.  For Metro Manila on November 19, it's the Komikon event at Bayanihan center, check out the event page here for more information.

 

ALSO READ: Hot Stuff: Fish 2 Ways And That Salted Egg Chips Craze—Where To Get Your Fix Locally

Latest

Popular

Trending

The Writer

View All

Recommended from Other ABS-CBN Websites